P200-K FINANCIAL ASSISTANCE, IPINAMAHAGI SA MGA KOOPERATIBA

Cauayan City – Nakatanggap ng financial assistance ang iba’t-ibang mga kooperatiba mula sa buong lambak ng Cagayan kahapon, ika-31 ng Enero taong 2025.

Naganap ang pamamahagi sa Lungsod ng Cauayan kung saan personal na pinangunahan ni Senator Imee Marcos ang pamamahagi ng nabanggit na tulong pinansiyal.

Labis na ikinatuwa ng mga miyembro ng kooperatiba ang P200,000 na natanggap nila sa ilalim ng programa ng senador na “Sa Kooperatiba Imee Solusyon Program 2024”


Ang tulong pinansiyal na ito ay naglalayong matulungan ang mga kooperatiba na mas mapalago pa ang kani-kanilang mga negosyo.

Facebook Comments