Tinawag na insulto ng isang transport group ang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na P200 subsidiya para sa mahihirap na pamilyang apektado rin ng sunod-sunod oil price hike.
Sa interview ng RMN Manila, kinuwestyon ni Ka Mody Floranda, presidente ng PISTON, kung ano ang mararating ng P200 na aniya’y kulang pa pambili ng isang kilong galunggong.
Dahil dito, muling iniapela ng grupo ang pagsuspinde sa fuel excise tax.
Giit ni Floranda, marami pa namang pwedeng mapagkunan ng pondo ang gobyerno bukod sa buwis sa langis.
Sa halip, ayon kay Floranda, dapat na habulin ng gobyerno ang mga negosyanteng hindi umano nagbabayad ng buwis.
Facebook Comments