Nagkaroon ng reklamo mula sa ilang benepisyaryo ng AICS distribution sa Barangay Palamis Covered Court, Alaminos City kahapon, Setyembre 26, 2025. Ayon sa mga ulat, hindi umano buong naibigay ang nakalaang ₱2,000 kada tatanggap.
Naiparating na sa 1st District Congressional Office ang reklamo upang mabigyan ng agarang aksyon at paglilinaw hinggil sa insidente.
Patuloy ding tinitipon ang mga ulat mula sa mga apektadong residente upang matiyak ang tamang pamamahagi ng ayuda.
Ipinahayag ng mga opisyal na dapat masusing imbestigahan ang reklamo at hindi dapat maulit ang anumang pagkukulang sa pamamahagi ng tulong pinansyal.
Samantala, pinapayuhan ang mga nais magsumite ng karagdagang ulat na magtungo sa City Social Welfare and Development (CSWD) Office sa People’s Park, Alaminos City o sa tanggapan sa Barangay Magsaysay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









