P2,000 karagdagang honoraria sa mga guro, aprubado na ng COMELEC

Inaprubahan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang P2,000 karagdagang honoraria para sa mga guro na nagtrabaho ng overtime noong Halalan 2022.

Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, inaalam na lamang nila ang mga presinto na nagkaroon ng aberya sa vote-counting machines (VCMs).

Bukod sa mga guro, bibigyan din ng karagdagang bayad ang mga support staff at technicians.


Target ng COMELEC na simulan ang pamamahagi ng karagdagang honoraria bago ang Mayo 25.

Facebook Comments