P20,000 INSENTIBO, IBIBIGAY SA TOPNOTCHER SA BOARD EXAM SA JONES

Cauayan City – Magkakaloob ng P20,000 ang Lokal na Pamahalaan ng Jones, Isabela sa sinumang examinee mula sa kanilang bayan na makakapasok sa Top 10 national level sa anumang board exam.

Ang programang ito ay inisyatibo ni Mayor Nhel Montano bilang pagkilala sa tagumpay at karangalang ibinibigay ng mga topnotchers sa kanilang bayan.

Kamakailan, ginawaran ng insentibo si Maria Franchesca Caday Lumelay, residente ng Brgy. Diarao, matapos niyang makuha ang 8th place sa katatapos na Customs Brokers Licensure Examination.

Patuloy ang suporta ng lokal na pamahalaan sa mga mamamayang nagbibigay ng karangalan sa Jones, Isabela.

Facebook Comments