Nakapagbigay na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng ₱208 milyon na halaga ng relief supplies sa mga lugar na nasalanta ng tatlong typhoon na dumaan sa bansa.
Sa datos ng DSWD mula nitong December 4, aabot sa ₱117.8 million ang inilaang ayuda sa mga pamilyang apektado ng Bagyong Ulysses lalo na sa mga apektadong rehiyon tulad ng Ilocos, Cagayan Valley, CALABARZON, Bicol, Metro Manila at Cordillera Administrative Region.
Nasa ₱85.2 million na halaga ng ayuda ang naipamahagi sa mga nasalanta ng Bagyong Rolly, lalo na sa Bicol Region.
Aabot naman sa ₱5.4 million na halaga ng ayuda ang naimapahagi sa mga nasalanta ng Bagyong Quinta sa CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas at Central Visayas.
Facebook Comments