P20M EXPANSION PROJECT NG PROVINCIAL INTEGRATED HEALTH OFFICE, SISIMULAN NGAYONG TAON

Cauayan City – Mas maayos at komportableng serbisyo ang inaasahang ihahatid ng Provincial Integrated Health Office (PIHO) matapos ang P20 milyong expansion project na sisimulan ngayong taon sa Nueva Vizcaya.

Ayon kay Dr. Anthony Cortez, Provincial Health Officer, kabilang sa proyekto ang pagpapalawak ng pasilidad, pagdaragdag ng waiting area para sa laboratory, drug testing, animal bite treatment, at iba pang serbisyong medikal at dental.

Magkakaroon din ng tatlong comfort rooms, kabilang ang para sa mga Persons With Disabilities (PWDs).


Tinatayang 200 hanggang 400 pasyente ang dumudulog sa PIHO araw-araw para sa iba’t ibang serbisyong pangkalusugan.

Dahil dito, patuloy ding tumataas ang kanilang collection sa medical at laboratory fees, na umabot na sa 156% ng kanilang 2024 target collection na P9M hanggang November 30, lampas pa sa inaasahang kita sa Disyembre.

Pinuri ni Cortez ang suporta ng Provincial Local Government Unit (PLGU) na nagbigay-daan para mapabuti ang pasilidad at serbisyo ng PIHO.

Facebook Comments