Nagkaloob ang Department of Agrarian Reform (DAR) na P21.6-M ang mga farm-to-market road na proyektong ipinatupad ng pamahalaan sa Barangay Diamantina at Rang-ay sa Cabatuan, Isabela.
Ito ay upang mapataas ang ani ng bigas at sektor ng agrikultura sa naturang probinsya.
Ayon kay DAR Cagayan Valley Regional Director Primo Lara, ang mga bagong farm-to-market roads ay magpapalakas sa pangkabuhayan ng mga magsasaka.
Aniya, ang pinalakas na mga imprastraktura ang magbibigay ng bagong pag-asa at magpapaunlad sa agrarian communities ng cabatuan.
Layon ng proyektong ito na matulungan ng pamahalaan ang mga agrarian reform beneificiaries organization sa kanilang patuloy na pagsasaka ta matiyak ang seguridad ng pagkain sa bansa.
Facebook Comments