P21 billion, revenue na makukuha ng pamahalaan sa 100 bagong mining projects – DENR

Aabot sa 21 billion pesos na halaga ng revenue ang makukuha ng pamahalaan mula sa 100 bagong mining projects.

Ito ang sinabi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) matapos bawiin ang moratorium para sa mining agreements.

Ayon kay DENR Undersecretary Jonas Leones, ang mga proyekto ay sumasailalim na sa evaluation process.


Ang mga pondong makukuha sa mga proyektong ito ay makatutulong sa COVID-19 pandemic.

Aminado si Leones na ang epekto ng mining agreements ay hindi agad mararamdaman.

Pagtitiyak din niya na patuloy na ginagampanan ng DENR ang mandato nito sa kabila ng kahalagahan ng mining deals.

Facebook Comments