P21-M ECHAGUE–JONES-MADDELA ROAD DEVELOPMENT, MAPAPAKINABANGAN NA

Cauayan City, Isabela – Sa muling pagbubukas ng mga LGU’s sa ilang tourist spots sa lalawigan ng Quirino, ay mapapakinabangan na rin ang 900-meter Echague-Jones-Maddela Road sa Maddela, Quirino.

Ayon kay District Engineer Marifel T. Andes, malaki ang maitutulong ng implimentasyon ng Network Development Program ng DPWH sa LGU’s na sakop ng proyekto para lalong umangat ang industriya ng turismo sa rehiyon dos tungo sa tinatawag na poverty-resilient community.

Mas maayos, maluwag at ligtas ngayon ang naturang daan at malaking tulong ito sa mga turistang nagnanais masilayan ang sikat na Governor’s Rapids Quirino Province.


Ang proyektong ito ay nagkakahalaga na P21 milyong piso.

Ito ay bahagi ng road widening project na pinondohan sa ilalim General Appropriations Act 2020 kasama na dito ang konstruksiyon ng karagdagang lane at warning signages sa daang nag-uugnay sa Echague, Isabela at Maddela, Quirino.

Facebook Comments