Mahigit 39 kilograms ng coccaine na nagkakahalagang 218.4 million pesos ang natagpuan sa baybayin ng Barangay Bagcacay, Gubat Sorsogon nitong Lunes.
Sa inilabas na ulat ng Philippine National Police (PNP), nakuha ng mga mangingisdang sina Melvin Gregorio, Loubert Ergina, at John Mark Nabong ang 12 kahong naglalaman ng illegal na droga. Ayon sa kanila, nakita nilang palutang lutang ang mga package.
Agad nila itong ibinigay sa pulisya at lumabas sa resulta ng Crime Laboratory na ito ay positibong coccaine.
Iniimbestigahan pa din ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police ang pinanggalingan ng illegal na droga. Hinala ng otoridad, posibleng nagmula ito sa Latin America at ipapadala sa China, Hong Kong at Australia.
Maaring sinadyang ihulog sa dagat ang mga coccaine para maisagawa ang illegal transaction at hindi mahuli ng pulisya.
Tinurn-over na ng PNP ang mga coccaine sa PDEA.