Umaabot sa 22 bilyong piso ang ikinalulugi ng gobyerno sa income taxes na nakokolekta sana mula sa mga dayuhang nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operations o POGO sa bansa.
Base sa Inter-Agency Task Force na binubuo ng Department of Labor and Employment (DOLE), Bureau of Immigration (BI) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) – aabot sa higit 76,000 na manggagawa ang nagtratrabaho sa POGO.
Higit 82% nito ay mga dayuhan.
Bukod dito, higit 56,000 na Chinese workers ang nagtatrabaho sa POGO.
Sinabi naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III – aalamin nila kung ano ang naisyuhan ang mga ito ng Alien Employment Permit (AEP).
Ayon sa Department of Finance (DOF), kumikita ng 10,000 yuan o 78,000 pesos ang mga Tsinong nagtatrabaho sa POGO.
Aalamin na rin ng Inter-Agency Task Force kung paano nakakatakas sa pagbabayad ng buwis ang mga dayuhang nagtatrabaho sa POGO.