P22 million, inilaang pondo para sa Ivermectin clinical trials – DOST

Naglaan ang pamahalaan ng ₱22 million para sa pagsasagawa ng clinical trials sa paggamit ng anti-parasitic drug na Ivermectin bilang gamot sa COVID-19.

Ang clinical trials ay magsisimula sa Hunyo at matatagal ito ng walong buwan.

Sa pulong kasama si Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Peña na sa tulong ng clinical trials ay makakapagbigay ito ng efficacy at safety data.


Malalaman dito kung mabisa ang gamot sa asymptomatic at non-severe COVID-19 patients.

Target na isailalim sa double-blind, randomized controlled trials ang nasa 1,200 volunteer participants sa loob ng anim na buwan.

Ang project team na nakatutok dito ay nakikipag-coordinate sa Philippine Red Cross at iba pang pasilidad para sa kinakailangang volunteers para magamit ang isolation facilities ng PRC.

Facebook Comments