Umapela si House Majority Leader Martin Romualdez na gamitin na ang P221.48 Million na pondo para sa upgrade ng kanilang mga kagamitan.
Ayon kay Romualdez, idinagdag ng Kongreso ang P221.48 Million sa capital outlay ng kabuuang P588.12 Million na pondo ng PHIVOLCS sa 2020.
Ang suhestyon ni Romualdez ay kasunod na rin ng mga reklamong natanggap mula sa mga residente mg CALABARZON na apektado ng pagaalburuto ng Bulkang Taal kung saan walang babala na ibinigay sa pagsabog nito noong Linggo.
Pinabibilisan na rin ni Romualdez ang acquisition ng equipment para sa monitoring at warning program sa volcanic eruption, earthquake at tsunami.
Paglilinaw ng kongresista, hindi niya sinisisi ang PHIVOLCS dahil batid nila na mahirap talagang malaman ang pagputok ng isang bulkan at iba pang kahalintulad na sakuna.