Sinira sa loob ng Camp Crame, partikular sa Grandstand ng Camp Crame ang mahigit P65-B halaga ng mga pirated na mga produkto.
Ang pinakamalaking halaga ng mga sinirang pirated products ay sigarilyo at alak na nagkakahalaga na agad ng P65-B.
Kasama rin sa mga sinira ay ang ilang mga pirated bags, sapatos, cellphone, at DVD.
Sinabi naman ni Atty. Ted Pascua ng Dept. of Trade and Industry o DTI hindi nakakatulong sa ekonomiya ng bansa ang paglaganap ng mga pirated na mga produkto.
Wala aniyang kita ang gobyerno at nasasaktan din ang mga legitimong mga negosyante.
Nangako naman ang Philippine National Police na sila ay nakahandang tumulong palagi sa kampanya laban sa paglaganap ng mga pekeng produkto.
Noong nakaraang taon, ay umabot din umano sa mahigit P65-B na halaga ang mga sinirang counterfeit at pirated products.