P23-M na Halaga ng Tanim na Marijuana, Sinira sa Kalinga

Cauayan City, Isabela- Umabot sa tatlong plantasyon ng marijuana ang sinira ng mga tauhan ng Kalinga Police Provincial Office kasama ang 1503RD & 1501st RMFB, 141 SAC PNP-SAF, RIU-14, RID, 50IB PA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng Kalinga, Apayao, at Ifugao, 53 MICU 5MIB, 51ID sa Mt. Chumanchil, Loccong, Tinglayan, Kalinga nitong Oktubre 16-20, 2021.

Nasa P23.4-M ang kabuuang halaga ng sinirang tanim na marijuana mula sa limang araw na operasyon ng mga awtoridad sa lugar.

Aabot sa 90,000 fully grown marijuana plants at 45,000 grams ng dried marijuana leaves at stalks mula sa 8,500 square meters na lawak ng lupain ang sinira at sinunog ng mga operatiba.


Facebook Comments