P237-M Special Risk Allowance funds ng mga dagdag na healthcare workers, naipamahagi na

Naipalabas na ng Department of Health (DOH) ang P237 million mula sa P311 million pondo ng COVID-19 Special Risk Allowance (SRA) para sa dagdag na 20,000 health workers.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, naipamahagi na nila ang P237.28 million sa mga Local Governments Units (LGU) at pribadong hospital.

Habang ang natitirang pondo na hawak nila ay ang P74.5 million na nakahanda na ring maipamahagi sa mga LGU at pribadong pasilidad.


Sabi pa ni Vergeire, hinihingi na rin nila ang listahan ng mga hindi pa nakakatanggap ng pondo para makapag-request sa Department of Budget and Management (DBM).

Facebook Comments