Muling ibabalik ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang ₱24 lotto ticket consolation prize.
Ayon kay PCSO General Manager Alexander Balutan matagal na itong hinihihirit ng mga mananayan at mga tagatangkilik ng lotto.
Sinabi ni PCSO Assistant General Manager for Gaming Sector Arnel Casas nakahanap sila ng paraan kung saan kukunin ang apat na piso para maging 24 pesos ang ‘balik-taya’.
Sa ilalim ng TRAIN Law, tataasan ang Document Stamp Tax (DST) ng PCSO kung saan ang lottery tickets ay papatawan ng mataas na DST na nagresulta ng pagpapatupad ng bagong lotto o gaming ticket prices mula ₱5 sa ₱6, ₱10 sa ₱12, sa ₱20 sa ₱24.
Ipapataw din ang 20% tax sa mga mananalo ng higit ₱10,000 mula sa lotto, keno, Small Town Lottery (STL), sweepstakes, at iba pang PCSO products.