P24M FARM TO MARKET ROAD SA SAN GUILLERMO, PINASINAYAAN

CAUAYAN CITY- Pinasinayaan ang apat na transformative projects sa Brgy. Dingading, San Guillermo, Isabela.

Ito ay sa ilalim ng Local Government Support Fund – Support to Barangay Development Program (LGSF-SBDP).

Kabilang sa pinasinayaang proyekto ay ang farm-to-market road sa Brgy. Aringay, Dingading, San Francisco Sur, at Sinalugan na may kabuuang halaga na P24M.


Ang naturang seremonya ay pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government Region 2 (DILG 2) kasama ang Local Government Unit of San Guillermo, at 86th Infantry “Highlander” Battalion.

Ang 86IB ay nakasentro sa pakikipagtulungan sa mga stakeholders upang masigujro na ang mahahalagang serbisyo at imprastraktura ay mapapakinabangan ng komunidad.

Facebook Comments