Nakapagpalabas na ng mahigit P25 milyon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) bilang tulong pinansyal na abot sa 10,361 Locally Stranded Individuals (LSIs) na napauwi na sa kani-kanilang lalawigan sa ilalim ng Hatid Tulong Program ng pamahalaan.
Base sa ulat ng DSWD, huling pinauwi sa lalawigan ang ikalawang batch na 5,039 LSIs
Bawat indibidwal na hinahatid ay binibigyan ng tig-2,000 piso na financial assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation .
Magdadagdag pa na Php1,000 sa sinumang indibidwal na may kasamang bata.
Bukod pa ito sa iba pang tulong na ipinagkakaloob sa kanila ng DSWD pagdating sa kanilang lalawigan.
Pagtitiyak pa ng ahensiya na magpapatuloy ang pagbibigay nila ng tulong sa mga LSIs hanggang sa ang mga ito ay makauwi na.