P25-M halaga ng shabu, narekober sa Bulacan

Baliuag, Bulacan – Narekober ng mga tauhan ng Baliuag Municipal Police Station at PDEA ang 25 milyong pisong halaga ng shabu mula sa dalawang babaeng tulak sa isang buy-bust operation sa Barangay Sta. Barbara, Baliuag Bulacan kaninang madaling araw.

Sa report ni Bulacan Provincial Director Senior Superintendent Chito Bersaluna, ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina: Cristina Joana Trinidad y Webb alias Joan, 39- anyos residente ng Barangay Tambubong, San Rafael, Bulacan at Ruth Francisco y Hernandez, 34-anyos residente ng Barangay Loma de Gato, Marilao, Bulacan.

Inaresto ang mga ito matapos bentahan ang mga operatiba ng isang heat-sealed plastic sachet ng shabu kapalit ang halagang 10-libong pisong marked money.


Nakumpiska sa mga suspek ang 3 medium-sized heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, isang bag na naglalaman ng 3 self-sealing plastic bags na naglalaman ng shabu, isang weighing scale at mga celphone.

Ang kabuuang timbang ng pinaghihinalaang shabu na nakuha sa mga suspek ay umaabot sa 3.7 kilo na nagkakahalaga ng mahigit 25 milyong piso.

Facebook Comments