P25-M “unauthorized” allowances at benefits ng Napolcom, ipinasasauli ng COA

Inatasan ng Commission on Audit (COA) ang National Police Commission (Napolcom) na ibalik ang P25 million na “unauthorized” allowances at benefits na ibinigay nito sa kanilang mga opisyal at empleyado.

Sa 2020 audit report, sinabi ng COA na nagbigay ang Napolcom ng public health emergency assistance (PHEA) na nagkakahalaga ng P16.58 million, dietary supplement allowance na P1.15 million at iba pang benepisyo at allowances na nasa P7.28 million.

Ayon sa state auditors, wala itong legal basis at noon pa man ay rekomendasyon nang itigil ang pagbibigay ng mga kahalintulad na benepisyo.


Depensa naman ng Napolcom, ang ibinigay nilang PHEA sa kanilang tauhan ay suportado at sakop ng Presidential Proclamation No. 922 Section 2020.

Pero giit ng COA, ang sinasabing presidential proclamation ng Napolcom ay inilabas para sa implementasyon ng Republic Act 11332 bilang tugon sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments