Kasado na ang supplemental budget na popondo sa iba’t proyekto sa Dagupan City matapos itong aprubahan sa Sangguniang Panlungsod.
Nasa P250M ang halaga nito na magiging karagdagang pondo para sa mga umiiral na proyekto tulad road elevation projects, school buildings, karagdagang pondo para sa pagbili ng ambulansya para sa emerhensiya, at iba pa.
Saklaw din ng nasabing budget ang dagdag pondo para sa Scholarship Program na ngayo’y nasa higit apat na libong estudyante na ang benepisyaryo.
Nauna nang inihayag ng LGU na target itong dagdagan ng isang libo pang iskolars upang dumami pa ang makinabang sa pera ng taumbayan.
Samantala, sa nakalipas na regular session sa Sangguniang Panlungsod, mabilis na naaprubahan ang isang ordinansa at labing-isang resolusyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









