P252 milyon na Digumased-Ayod farm-to-market road, Nakatakdang Simulan

Cauayan City, Isabela- Nakatakdang simulan ang konstruksyon ng 8.3-kilometer Digumased-Ayod farm to market road at 200meters na tulay sa Dinapigue, Isabela.

Ito ay matapos pangunahan ng mga opisyal ng Department of Agriculture Philippine Rural Development Project (DA PRDP) Coordination Office 2 (RPCO2), Provincial Government of Isabela, at local government unit ang groundbreaking ng mahigit P252 milyon na halaga ng naturang proyekto.

Mapapakinabangan ang naturang proyekto ng nasa 1,635 na populasyon sakaling matapos ang pagsasagawa ng kalsada.

Ayon kay Rosemary G. Aquino, RPCO 2 Deputy Project Director, ang mga benepisyaryo ay mapalad na magkaroon ng ganitong proyekto sa coastal town.

Sinabi naman ni Mayor Vicente D Mendoza na higit na makakatulong ito sa mga magsasaka at mangingisda.

Facebook Comments