P27-MILYON PARA SA MGA UNPAID HEALTH CARE WORKERS SA CAGAYAN VALLEY, APRUBADO NA!

CAUAYAN CITY – Kinumpirma ng Department of Budget and Management na aprubado na at nakahanda na ang 27 milyung pisong pondo na ibibigay bilang kabayaran sa Health Emergency Allowance (HEA) claims ng mga health workers sa Lambak ng Cagayan.

Ito ang inihayag ni DBM Secretary Amenah Pangandaman sa kanyang pagbisita sa Tuguegarao City.

Ayon sa kalihim, Mayo ng taong ito, opisyal na hiniling ng Department of Health ang pag-isyu ng Special Allotment Release Order (SARO) at Notice of Cash Allocation (NCA) na nagkakahalaga ng P27.453 bilyon upang masakop ang pagbabayad ng P5,039,926 sa natitirang validated at hindi nabayarang Health Emergency Allowance.


Kaugnay nito, sakop rin ng naturang pondo ang 4,283 na tinamaan ng COVID, at 10 mga claims sa Sickness and Death Compensation ng mga karapat-dapat na healthcare at non-healthcare na manggagawa.

Matatandaan na ipinag-utos ni Pang. Marcos ang pagsasaayos ng lahat ng unpaid HEA ng mga health workers sa buong bansa.

Facebook Comments