P28.35 billion na isiningit sa pondo ng Kamara sa 2021 national budget, pinabi-veto kay Pangulong Duterte

Umaapela si Sen. Panfilo Lacson kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-veto ang P28.35 billion na isiningit sa pondo ng Kamara sa 2021 national budget

Ayon kay Lacson, malaking pondo na isingit sa 2021 budget sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Lord Allan Velasco at ang mga double at overlapping appropriations, kabilang na ang 793 line items na may pondo na P1 million hanggang P2 million bawat isa.

Umaasa ang senador na hindi hahayaan ng Pangulong Duterte na mapalusot ang budget insertion tulad sa pag-veto noon sa P95 billion na isiningit na pondo noong 2019 sa ilalim ni dating House Speaker Gloria Arroyo.


Samantala, binara naman ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang kawalan ng Kamara ng urgency sa COVID response dahil P2.5 billion lang ang tiyak na pondo na pambili ng bakuna, pero ang inilagay na dagdag na P72 billion para sa COVID-19 vaccine ay hindi klaro kung saan huhugutin.

Pinuna naman ni Sen. Franklin Drilon ang Kamara dahil pagdating sa ibang proyekto ay may tiyak na pondo pero ang ipambibili ng bakuna ay hahanapan pa lang ng budget na kukunin sa panibagong utang at non-tax revenue collections.

Facebook Comments