Cauayan City, Isabela- Nadiskubre ng mga awtoridad ang marijuana stalks habang pinagsisira ang plantasyon ng marijuana kahapon sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga.
Sabay-sabay itong pinagsisira ng pinagsanib na pwersa ng Kalinga Police Provincial Office at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Kalinga Provincial Office matapos ang isinagawang OPLAN 16 wacky.
Umaabot sa 110,000 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P22 milyon ang sinira at sinunog ng mga operatiba mula sa lupaing may lawak na 5,500 square meters marijuana plantation habang 50,000 grams ng marijuana stalks na may halagang P6 milyon ang nadiskubre rin sa lugar.
Maliban pa dito, ang mga natagpuang marijuana stalks ay bagong ani habang ang marijuana plants ay nakatakda namang anihin na.
Ang pagkakadiskubre sa plantation sites ay resulta ng tuloy-tuloy na police and community partnership activities na ipinatupad sa lahat ng drug affected barangays sa nabanggit na lugar.