Aabot sa P29.4 milyong halaga ng sektor ng agrikultura ang nasira sa pananalasa ng Bagyong Maring.
Batay sa Department of Agriculture (DA), katumbas ito ng production loss na 1,713 metric tons (MT) kung saan nakaapekto sa 1,128 magsasaka at 1,225 ektarya ng sakahan.
Sa mga pinagsamang datos ng Cordillera Administrative Region, 1, 2, 3, 4-A, 4-B, 5 at 9, umabot sa 1 million 469 thousand 985 na ektarya o 77.98% ng palayan at 298,523 ektarya o 57.98% maisan ang naapektuhan.
Agad namang inihanda ng DA ang kanilang Quick Response Fund (QRF), Survival and Recovery (SURE) Loan Program gayundin ang pondo mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) para matulungan ang mga apektadong magsasaka.
Namigay rin ang kagawaran ng rice, corn at assorted vegetable seeds at drugs and biologics para sa livestock at poultry needs sa mga apektadong rehiyon.