PINURI NG ISANG ENVIRONMENT THINK-TANK ANG 2-BILLION PESO PASIG RIVER REHABILITATION PROJECT NG SAN MIGUEL CORP. (SMC).
AYON SA PINOY AKSYON FOR GOVERNANCE AND THE ENVIRONMENT (PINOY AKSYON), ANG PROYEKTO NA AKMA SA 95-BILLION PESO PASIG RIVER EXPRESSWAY (PAREX) AY MAARI RING MAGING MODEL NG GREEN INFRASTRUCTURE NA ISA SA MAGPAPALAKAS SA ENVIRONMENTAL REHABILITATION.
ANG 19.37 KILOMETER HYBRID EXPRESSWAY PROJECT SA KAHABAAN NG PASIG RIVER, AY ISASAGAWA NG SMC SA ILALIM NG PUBLIC-PRIVATE PARTNERSHIP PROGRAM NG PAMAHALAAN NA ITINUTURING NA KAUNA-UNAHANG GREEN HYBRID HIGHWAY SA BANSA.
IDINAGDAG NG PINOY AKSYON NA MAINAM NA INILAGAY SA HARAPAN AT SENTRO ANG KALIKASAN SA NATURANG PROYEKTO.
Facebook Comments