P2P ARRANGEMENT | 1,000 skilled Filipino workers, handang ipadala sa Czech Republic

Manila, Philippines – Magpapadala ang Pilipinas ng 1,000 skilled Filipino workers sa Czech Republic.

Ito ay matapos magkasundo ang dalawang bansa na umpisahan ang deployment process ng mga Pilipinong manggagawa sa central European country sa ilalim ng temporary ‘private-to-private’ arrangement.

Sa pagpupulong sa pagitan nina Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Bernard Olalia at ni Czech Foreign Affairs Deputy Minister for Legal Affairs Martin Smolek, nagdesisyong isailalim sa performance review matapos ng anim na buwan ang P2P arrangement.


Pagkatapos ng initial period, maaring magdesisyon ang Pilipinas at Czech Republic kung bubuo ng Memorandum of Understanding (MOU) o mas matibay na kasunduan o ipagpatuloy sa ilalim ng government-to-government arrangement.

Facebook Comments