Manila, Philippines – Iminungkahi ni Quezon City Rep. Alfred Vargas na padaanin ang Point to Point Bus o P2P Bus sa zipper lane ng EDSA.
Ito ay kasunod na rin ng paggamit sa mga P2P Buses bilang alternatibo sa MRT tuwing rush hour at habang inaayos ang serbisyo ng tren.
Suportado ni Vargas ang hakbang na ito ng gobyerno pero dapat na payagan ng LTFRB at MMDA ang pagdaan ng P2P Bus sa zipper lane.
Katuwiran ng kongresista, useless kung maiipit rin sa traffic ang mga pasahero.
Paliwanag nito, nagtitiyaga ang commuters sa MRT sa kabila ng madalas na aberya dahil ito pa rin ang pinakamabilis na paraan ng transportasyon.
Kaugnay nito’y umapela rin si Vargas sa LTFRB na tiyaking risonable at abot-kaya ang pasahe sa P2P buses gaya ng sa MRT.
Facebook Comments