P2P operation ng mga UV Express, sinuspinde

Sinuspinde muna ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapatupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng point-to-point operation ng mga UV Express.

Sa ilalim ng patakaran, ang mga lalabag ay papatawan sana ng P5,000 hanggang P9,000.

Ayon kay Department of Transportation Assistant Secretary Goddess Hope Libiran – bibigyan ng dalawang linggong suspensiyon ang memorandum circular na inilabas ng LTFRB na nagbabawal sa mga UV Express na magbaba at magsakay sa pagitan ng kanilang nakatakdang terminals.


Dagdag pa ni Libiran – ito ay para magkaroon pa sila ng mahabang oras at panahon upang ma-review at magkaroon ng konsultasyon ukol sa nasabing panukala.

Subalit, ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III – hindi na bago ang panukala na ito at ipinapatupad lang naman nila ito upang bigyan ng mahigpit na pagpapatupad ang batas trapiko.

Facebook Comments