P3.00 per kilo ng NFA buying price para sa palay, aasahan ng mga magsasaka

Sa Zamboanga Peninsula, aasahan ng mga magsasaka ng lalawigan ng Zamboanga Del Norte at buong Zamboanga Peninsula Region, ang dagdag na Php3.00 per kilo ng palay kung silay magbi-benta sa mga tanggapan ng National Food Authority (NFA).

Ayon kay NFA-9 regional director procopio trabajo, ito’y bahagi ng Buffer Stocking Incentive (BSI)  ng NFA na inilunsad noong nakaraang taon.

Kaugnay nito, inaasahang makatanggap ng maximum P20.70 bawat kilo ang mga“farmers organizations, habang ang mga individual farmers pati mga walk-in farmers ay inaasahang makatanggap ng maximum P20.40 bawat kilo,” ayon sa opisyal ng NFA.


Para matulungan sa pag-deliver ng palay ang mga mag-sasaka mula sa mga malalayong mga barangay pwedeng kontakin ang NFA para ito’y ma-pick-up kung saan handa ang mga hauling trucks sa pag-assist sa kanila.

Maliban dito, bibili rin ang NFA ng wet palay.

Ang NFA buying stations sa lalawigan ng Zamboanga Del Norte ay makikita sa Gulayon, Dipolog City; Banigan, Liloy at Siocon.

Facebook Comments