P3.06-MILYONG HALAGA NG SHABU, NASAMSAM MULA SA ISANG HIGH-VALUE TARGET SA BANI, PANGASINAN

Naaresto ng mga awtoridad ang isang mang-uuling na tinukoy bilang High-Value Target (HVT) sa isinagawang operasyon laban sa ilegal na droga sa Bani, Pangasinan.

Ayon sa ulat, isinagawa ang operasyon sa bisa ng Search Warrant kung saan nasamsam sa bahay ng suspek ang isang ziplock at pitong pakete ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 450 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P3,060,000.

Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Bani Municipal Police Station at sasampahan ng paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Patuloy namang pinaigting ng Police Regional Office 1 ang kanilang kampanya laban sa ilegal na droga upang masiguro ang kaligtasan at kapayapaan ng rehiyon.

Facebook Comments