P3.1 milyong halaga na marijuana na nasabat ng BOC, nailipat na sa PDEA

Nailipat na sa pangangalaga ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P3.1 milyong halaga ng marijuana na naharang ng Bureau of Custom (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, galing ang kontrabando sa California, USA at idineklarang mga tsokolate, green tea at mga damit.

Pero nang siyasatin ng BOC-NAIA Customs examiners ang anim na mga bagahe, nakita na mga dahon ng marijuana ang nakalagay sa loob.


Hindi muna pinangalanan ni Villanueva ang consignee na isang residente sa Marikina City habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Ayon pa kay Villanueva, maliban sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, kakasuhan din ang consignee ng paglabag sa Customs Modernization and Tariffs Act.

Facebook Comments