P3.1B NA PROVINCIAL BUDGET NG LA UNION SA 2026, APELA NA MAAPRUBAHAN NA

Hinimok ng isang mambabatas sa La Union na maaprUbahan na ang panukalang P3.1 bilyon na provincial budget para sa taong 2026.

Nakapaloob sa naturang pondo ang mga pangunahing alokasyon para sa mga serbisyong pangkalusugan. Imprastraktura, disaster response,pagtugon sa mga pangangailangan sa mga district hospitals, edukasyon, scholarship, pagsasanay ng mga atleta at incentives para sa mga senior citizens.

Kaakibat ng apelang ito ang pagbibigay-diin sa striktong pagbabantay sa paggamit at pagpapatupad ng budget upang maging transparent sa publiko.

Layon din na mapigilan ang korapsyon at mga proyekto na non-existent ngunit may nakalaang pondo upang matiyak ang maayos na paggasta sa kaban ng bayan para sa kapakanan ng mga residente.

Facebook Comments