Abot sa P3.4 million na halaga ng shabu ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Central Mail Exchange Center o CMEC sa Pasay City.
Ayon sa PDEA, galing India ang nakumpiskang brown na kahon na may label na X at idineklarang “universal engine”.
Ipinadala ito ng isang Dewajani Pal ng Dwarka Sector 7, Rampal Chowk Palam Extension, Badlapur, South West Delhi.
Ang consignee ng kontrabando ay isang Ashley Carao Alonzo na residente ng Krus na Ligas, Quezon City.
Lumilitaw na ito ay isang alias at ang tunay na pangalan nito ay Catherine Amatiaga na isang housekeeper
Nang inspeksyunin ng PDEA Ninoy Aquino International Airport o NAIA-Inter Agency Drug Interdiction Task Group, dito na tumambad ang apat na pouch na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 514 grams.
Si Amatiaga ay nasa kustodiya na ng PDEA.
Inihahanda na ang mga kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act at Customs Modernization Act laban kay Amatiaga.