P3.4-M na halaga ng shabu, nakumpiska ng PDEA sa General Trias Cavite

Abot sa P3.4 million na halaga ng shabu ang nakumpiska ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) mula sa isang dayuhan na tulak ng droga sa Cavite.

Kinilala ang arestado na si Ebuka Ezike, hindi binanggit ang kaniyang nationality.

Isinagawa ang buy bust operation sa Governor’s Hill Subd., PH-2 Biclatan General Trias, Cavite.


Nasa 500 grams na shabu ang nakumpiska mula sa pag-iingat ng suspek.

Nasamsam din ang isang transparent plastic bag na may lamang brownish granules substance, isang resealable transparent plastic bag na naglalaman ng brownish powdered substance, timbangan, laptop at tatlong cellular phones.

Inihahanda na ng PDEA ang isasampang kaso na paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2022 laban sa suspek.

Facebook Comments