P3.4-M na halaga ng shabu, nasabat ng PDEA sa harap ng House of Representative sa Batasan

544

Nakumpiska ang nasa P3.4 million na halaga ng shabu matapos mahuli ang dalawang drug personalities sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa harap ng House of Representative sa Batasan.

Ito ay joint operation ng PDEA RO3, Bulacan Provincial Police Office, PDEA-NCR at QCPD.


Kinilala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang mga arestado na sina Infante Jr. Dionisio, 24-years old at residente ng Brgy. Batasan Hills, Quezon City at si Cory Arnel, 24-years old, single, parehong driver.

Nakumpiska sa kanila ang 500 gramo ng shabu na may street value na P3.4 million.

Facebook Comments