P3.4 milyon halaga ng shabu nasabat ng PDEA sa Muntinlupa City

Aabot sa 500 grams ng shabu na may street value na P3.4-M ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ikinasang entrapment operation sa parking lot ng isang mall sa Muntinlupa city.

Nagresulta ito sa pagka-aresto ng tatlong drug suspects.

Ang Drug Operation ay isinagawa ng pinagsanib puwersa ng PDEA Central Luzon, PDEA Southern District Office at Muntinlupa Police Office.


Kinilala ni PDEA Central Luzon Regional Director Bryan Babang ang mga arestado na sina Vilma Maritana, 51, Richard Flaminian, 59 at Bricks Marhana 18 na parehong mga residente ng Cupang, Muntinlupa.

Nakuha mula sa tatlong suspek ang isang pirasong knot-tied transparent bag naglalaman ng 500 grams ng shabu at ang ginamit na buy-bust money.

Nahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002.

Facebook Comments