P3.5 billion na alokasyon para sa fuel subsidy ng mga tusper, magsasaka at mangingisda, pasok sa 2023 proposed national budget

Pasok sa panukalang 5.268-trillion pesos national budget para sa 2023 ang P3.5 billion na alokasyon para sa fuel subsidy ng mga tsuper, magsasaka at mangingisda.

Ayon kay House Committee on Appropriations member at Quezon City Rep. Marvin Rillo, ang naturang halaga ay target na maibigay sa mga benepisyasryo sa gitna pa rin ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa nasabing halaga, P2.5 billion ang ibibigay sa mga driver ng mga pampasaherong jeep, bus, uv express, tricycle maging sa mga full-time ride hailing at delivery services drivers.


Nasa P510 million naman ang alokasyon para sa fuel subsidy ng mga magsasaka habang P490 million para sa mga mangingisda.

Ang alokasyon ay bahagi ng panukalang budget sa susunod na taon ng Department of Transportation at ng Department of Agriculture.

Facebook Comments