Opisyal nang inilunsad kahapon, February 23, dito sa Cotabato City ng ARMM Government ang Education Pathways to Peace in Mindanao (Pathways).
Nagkakahalaga ng P3.6 billion ang naturang programa na pinondohan ng Australian Government.
Ang Pathways ay 9 na taong programa na idinisenyo upang pahusayin ang delivery ng basic education at upang makaambag sa peace building sa ARMM.
Ang launching ay pinangunahan nina ARMM Education Secretary Rasol Mitmug, Australian Embassy Deputy Head of Mission Mat Kimberley, Assistant Executive Sec. Atty. Sittie Mariam Balahim at Director Margarita Consolacion Ballesteros ng DepEd Central Office.
Sinabi ni Sec. Mitmug na ang pathways ay susuporta sa mga pagsisikap ng gobyerno ng Pilipinas sa pagpapalakas ng core education services.
P3.6-B Education program, inilunsad ng ARMM at Australia!
Facebook Comments