Pumalo pa sa P3.6 billion ang halaga ng napinsala sa sektor ng agrikultura matapos ang pananalasa ng Bagyong Odette.
Batay sa Department of Agriculture (DA), 47,048 na magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng bagyo.
Nasa 94,763 metric tons (MT) ang production loss at 67,573 hektarya ng agricultural areas ang nasira mula sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao, at Caraga.
Kabilang sa mga nasira ang palay, mais, high value crops, livestock, at fisheries.
Nasira rin ng bagyo ang mga agricultural infrastructures, machineries at equipment.
Facebook Comments