P3.7-bilyon funeral benefits noong 2020, inilabas ng SSS

52

Naglabas na ng P3.7 bilyon ang Social Security System (SSS) para sa funeral benefits ng 135,000 benepisyaryo noong 2020.

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Aurora Ignacio, bumaba sa 27% ang disbursement ng funeral benefit noong Marso nakaraang taon dahil sa implementasyon ng community quarantine.


Umabot naman sa P3.91 bilyon ang naibigay sa higit 175,000 na miyembro ng SSS noong 2018, habang P4.23 bilyon sa 186,000 miyembro noong 2019.

 

Facebook Comments