P3.7 MILYON HALAGA NG ILIGAL NA DROGA, NASAMSAM NG PDEA-CAGAYAN

CAUAYAN CITY – Inilahad ng Philippine Drug Enforcement Agency Cagayan na sa buong 2nd Quarter ng taong 2024 ay nakasabat sila ng nasa P3.7 milyon halaga ng Marijuana at Shabu.

Batay sa inilabas na tala ng nabanggit na ahensya, umabot sa 12 operasyon ang kanilang ikinasa na nagresulta sa pagkakadakip sa 22 katao kung saan 16 sa mga ito ay high value target.

Sa mga nabanggit na kontrabando, 63.02 gramo sa mga ito ay shabu, habang 34,300.20 grams naman sa Marijuana, at 520 ml ng Marijuana oil.


Sa ngayon ay puspusan ang ginagawang kampanya kontra iligal na droga ang nabanggit na ahensya ng sa ganon ay makamit ng natitirang Barangay sa kanilang nasasakupan ang titulong drug cleared.

Facebook Comments