P3.87 million na halaga ng relief aid, naipaabot na sa mga apektado ng Habagat – DSWD

Nakapagbigay na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at local government units (LGUs) ng nasa ₱3.87 million na halaga ng relief assistance sa mga pamilyang apektado ng pagbaha at pag-uulang dala ng Hanging Habagat na pinalakas ng Bagyong Fabian.

Sa huling datos ng Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC), aabot sa ₱3,870,596 na halaga ng ayuda ang naipaabot sa anim na apektadong rehiyon.

Kabilang na rito ang Cordillera Administrative Region (CAR), National Capital Region (NCR), Ilocos, Central Luzon, CALABARZON, at MIMAROPA.


Nasa 51,680 na pamilya o 211,458 individuals ang apektado mula sa 415 na barangay.

Nasa 7,585 families o 30,612 individuals ang nananatili sa 291 evacuation centers.

Aabot naman sa 11,007 families o 49,511 individuals ang nanatili sa kanilang kaanak o kaibigan.

Facebook Comments