P3-B Farm Fresh Milk Plant na magpapalakas ng produksyon ng gatas sa bansa, binuksan sa Pampanga

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbubukas ng Farm Fresh Milk Plant sa San Simon, Pampanga na nagkakahalaga ng P3 bilyon.

Ang proyekto ay resulta ng pakikipagpulong ng Pangulo sa mga opisyal ng Malaysian dairy company na Farm Fresh Berhad noong 2023 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ayon kay Pangulong Marcos, ang bagong planta ay makalilikha ng maraming trabaho, makatutulong sa kabuhayan ng mga magsasaka, at magpapatatag ng suplay ng pagkain sa bansa.

Kaya rin nitong mag-produce ng hanggang 32 milyong litro ng pasteurized milk at mahigit 2.4 milyong litro ng yogurt bawat taon.

Dahil dito, inaasahang mapapalakas pa ang lokal na produksyon ng gatas at mababawadan ang pag-angkat mula sa ibang bansa.

Facebook Comments