Aprubado na ng Department of Budget and Management ang paglalabas sa tatlong bilyong pisong pondo para sa fuel subsidy ng mga PUV driver at operators na apektado ng serye ng oil price hike.
Ito ay matanggap ng DBM noong Lunes ang kumpletong requirements na isinumite ng Department of Transportation para sa nasabing pondo.
Natukoy at na-validate na rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang 1.36 million na benepisyaryo ng subsidiya.
P10,000 – modern jeepney/ modern UV Express
P6,500 – traditional jeepney/ traditional UV Express/ public utility bus/ minibus/ taxi/ shuttle services/ TNVs/ filcabs/ tourist at school transport services
P1,000 – tricyle
P1,200 – delivery services Inatasan naman ni DOTr Secretary Jaime Bautista ang LTFRB na agad ipamahagi ang fuel assistance oras na maibaba ang pondo sa ahensya.