Pormal nang naghain ng petisyon para sa hirit na taas-pasahe sa jeep ang limang transport group sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Kinabibilangan ito ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP); Pangkalahatang Sanggunian Manila and Suburbs Drivers Association (Pasang Masda); Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP); Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP); Philippine Confederation of Drivers and Operators – Alliance of Concerned Transport Organization (PCDO-ACTO).
Nakasaad sa anim na pahinang petisyon ng mga grupo ang P3.00 dagdag-singil sa pamasahe.
Humihirit din sila ng P2.00 provisional increase habang hinihintay ang desisyon ng LTFRB sa kanilang fare hike petisyon.
Giit ng mga grupo, napapanahon na para pagbigyan sila ng lTFRB lalo’t higit P10 na ang itinaas sa presyo ng kada litro ng diesel mula noong 2018.
Samantala, sakop ng kanilang petisyon ang NCR, Regions 3 at 4.