P3-M halaga ng hinihinalang shabu, nakumpiska sa isang tulak sa Mandaluyong City

60

Nasabat ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Mandaluyong City Police Station ang tatlong milyong pisong halaga ng pinaghihinalaang shabu mula sa isang umano ay drug pusher matapos maaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Boni Avenue, Brgy. Malamig, Mandaluyong City.

Kinilala ang suspek na si Saddam Masukat y Guialap, alyas Saddam.

Nakuha sa suspek ang 10 pirasong transparent plastic sachet na naglalaman ng pinghihinalaang shabu na tumitimbang ng humigit kumulang 500 gramo at may market value na tatlong milyong piso, dalawang pirasong genuine Php1,000.00 kasama ang 3 bundles ng one-thousand-peso boodle money na nagkakahalaga ng Php300,000.00 na ginamit bilang buy-bust money.


Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa naturang suspek.

Facebook Comments